^

Metro

Ginang dedo sa 4 na armado

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang 56-anyos na ginang ang binaril at napatay ng isa sa apat na armadong kalalakihan habang ang una ay naglalakad patungo sa kanyang kaibigan sa Brgy. Payatas sa lungsod Quezon, kahapon ng umaga.

Ayon sa inisyal na ulat ng Quezon City Police District Station 6, nakilala ang nasawi na si Eva Agrisola, dating purok leader at residente ng Lanzones St., Brgy. Payatas.

Agad namang nagsitakas ang apat na armadong suspect kung saan dalawa sa mga ito ang nakatakip ang mukha.

Nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Lanzones St., sa naturang Brgy. ganap na alas-11 ng umaga.

Diumano, kalalabas lamang ng biktima sa kanyang bahay at naglalakad sa nasabing lugar patungo sa bahay ng kaibigang si Lolita Ramos nang biglang sundan ito ng mga suspect.

Ilang sandali, isa sa mga suspect ang biglang nagbunot ng baril habang ang tatlo ay nagsilbing look out at pinaputukan ang biktima na tinamaan sa noo at baba, saka mabilis na nagsitakas.

Namatay noon din ang bik­timang ginang. Blangko pa ang pulisya sa motibo sa naganap na pamamaslang.  

vuukle comment

AYON

BLANGKO

BRGY

DIUMANO

EVA AGRISOLA

ILANG

LANZONES ST.

LOLITA RAMOS

PAYATAS

QUEZON CITY POLICE DISTRICT STATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with