^

Metro

Sasakyang walang headlight ihahawla ng MMDA

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Mag-uumpisa na ng seryosong panghuhuli ang Metropolitan Manila Deve­lopment Authority (MMDA) sa mga sasakyang walang headlight kapag bumibiyahe sa gabi.

Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na pasok umano sa “reckless driving ang hindi paggamit ng ilaw sa gabi at may katumbas na multang P500 sa unang paglabag, P750 sa ikalawa at P1,000 naman o kanselasyon ng lisensya sa ikatlong paglabag.

Iginiit nito na hindi uubra ang katwiran ng maraming motorista na sira lamang ang kanilang headlights at huhulihin pa rin sila dahil sa panganib na dulot nito hindi lamang sa nagmamaneho kundi maging sa ibang motorista­.

Isa sa pangunahing dahilan ng aksidente sa gabi ay ang hindi paggamit ng headlights na mapanganib sa kalsada.

Bukod sa pribadong motorista, karamihan sa mga napapansin na bumibiyahe nang walang headlights ay ang mga pampasaherong jeepney at traysikel.

Panawagan naman ng mga publiko na idamay din ng MMDA ang panghuhuli sa mga sasakyang may sob­rang nakakasilaw na headlights na halogen na mas nag­dudulot ng panganib sa lansangan.

vuukle comment

BUKOD

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

HEADLIGHTS

IGINIIT

ISA

METROPOLITAN MANILA DEVE

PANAWAGAN

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with