^

Metro

Salpukan ng 2 bus: 3 katao sugatan

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Tatlo katao ang na­sugatan matapos na magbanggaan ang dalawang pampasaherong bus sa Regalado Avenue sa lungsod Quezon kahapon ng madaling araw.

Ayon sa ulat, nakilala ang mga sugatan na sina Christopher Torres, Jason Ogos at Hercules Mapa, mga pasahero ng Safeway Bus na agad na dinala sa Commonwealth Hospital and Medical Center sanhi ng tinamong pinsala sa kanilang mga katawan.

Ang insidente ay kinasasangkutan ng Universal Guiding Star Bus (UVC-376) at ang Safeway Bus (UVS-546).

Matatandaang ang Universal Guiding Star Bus Lines din ang naka-aksidente at nakapatay sa journalist na si Chit Estella-Simbulan noong Mayo.

Nangyari ang insidente sa kahabaan ng Regalado Avenue patungo ng SM Fairview sa lungsod, ganap na alas-5:30 ng madaling araw .

Parehong tinatahak ng mga bus ang nasa­bing kalsada nang bigla umanong huminto ang Universal Guiding Star Bus na minamaneho ni Arnold Manuel upang magsakay ng pasahero. Dahil dito, hindi na umano nagawang maka-preno ng driver ng Safeway Bus na si Vicente Calagui kung kaya’t nabangga nito ang likurang bahagi ng una.

Sa lakas ng impact, tumilapon sa loob ng bus ang mga nabanggit na pasaherong biktima na kanilang ikinasugat.

ARNOLD MANUEL

BUS

CHIT ESTELLA-SIMBULAN

CHRISTOPHER TORRES

COMMONWEALTH HOSPITAL AND MEDICAL CENTER

HERCULES MAPA

JASON OGOS

REGALADO AVENUE

SAFEWAY BUS

UNIVERSAL GUIDING STAR BUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with