^

Metro

Kelot lasog sa bus

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Lasog ang katawan ng isang pedestrian makaraang mabundol ng isang pampa­saherong bus na siyang ikinasawi nito sa lungsod Quezon kamakalawa.

Kinilala ni SPO3 Henry Se ng Traffic Sector 3 ng Que­ zon City Police District ang biktima na si Edwin Beleo, 41, residente sa La Elma, Brgy. E. Rodriguez sa lungsod.

Hawak naman ng awtoridad ang driver ng El Palma bus na si Jiovanny Sagun, 27, binata ng # 178 Hernandez St., Coloong 1, Valenzuela City.

Sa imbestigasyon, lumi­litaw na nangyari ang insi­dente sa panulukan ng Edsa at Ermin Garcia St, Brgy. E. Rodriguez ganap na alas- 9:50 ng gabi.

Sinasabing tumatawid sa lugar ang biktima ng biglang mahagip ito ng rumaragasang bus na minamaneho ni Sagun na siyang ugat para magtamo ito ng matinding pinsala sa katawan at masawi.

Subalit, ayon sa testimonya ng ilang saksi, bago nangyari ang insidente ay bumaba ang biktima sa bus na pagewang-gewang ay inalalayan pa umano ito ng dalawang MMDA enfor­cers, pero pilit na iniuumang umano ng una ang kanyang katawan sa mga sasakyang dumaraan sa lugar hanggang sa mahagip ni Sagun.

Ayon pa kay Se, hinihintay pa nila ang dalawang MMDA personnel upang magbigay linaw sa naturang kaso, habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa suspect.

vuukle comment

BRGY

CITY POLICE DISTRICT

EDWIN BELEO

EL PALMA

ERMIN GARCIA ST

HERNANDEZ ST.

JIOVANNY SAGUN

LA ELMA

SAGUN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with