^

Metro

Police asset itinumba

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Patay ang isa umanong police asset makaraang pagbabarilin ng isang salarin habang ang una ay naglalakad papauwi sa lungsod Quezon kama­kalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Andres Gonzales, 44, ng Rosal St., Ramirez Subdivision, Nova Proper sa lungsod.

Agad namang tumakas ang suspect matapos ang pamamaril. Nangyari ang in­sidente sa may Quirino Highway, Brgy. Novaliches Proper ganap na alas-8:30 ng gabi.

Diumano, naglalakad ang biktima sa nasabing lugar nang biglang sumulpot ang suspect at pagbabarilin ang biktima.

Sabi ng kaanak ng biktima, nagpaalam lang umano ito sa kanila na may bibilhin kung kaya nagulat na lang sila nang mabalitaang pinaslang ito.

Dead-on-the-spot ang biktima dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Sinasabing kilalang police asset ang biktima at hinihinala ng pulisya na maaaring naghiganti ang mga pinakulong nito kung kaya siya pinaslang.

vuukle comment

ANDRES GONZALES

BIKTIMA

BRGY

DIUMANO

KINILALA

NOVA PROPER

NOVALICHES PROPER

QUIRINO HIGHWAY

RAMIREZ SUBDIVISION

ROSAL ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with