^

Metro

Kusinero binasted ng niligawan, nagbigti

- Ni Danilo­ Garcia -

MANILA, Philippines - Dinamdam ng isang 20-anyos na kusinero ang kabiguan sa kanyang nililigawang babae kaya nagdesisyong magbigti kaha­pon ng umaga sa Caloocan City.

Nakilala ang nag-suicide na si Andy dela Peña, stay-in cook sa may #360 Rubyville Subd. sa Barangay 160.

Sa imbestigasyon ni P02 Alejandro Billedo ng Station Investigation Division Management Branch ng Caloocan-PNP, dakong alas-6 ng umaga nang ma­tagpuan ang bangkay ng biktima sa garahe ng bahay ng kanyang pinapasukan.

Ayon sa anak ng amo ng biktima na si MJ Taruc, nagpunta siya sa garahe para maglaro ngunit nagimbal ito nang makita ang katawan ng kanilang kusinero na nakabitin. 

Agad naman ipinagbi­gay-alam ang insidente sa kanyang ama kung saan tumawag ng pulis.

Nabatid sa pagtatanong na naibulalas minsan ng biktima ang sama ng loob sa ginawang pagbasted sa kanya ng hindi pa nakila­lang nililigawang babae. 

Patuloy naman ang im­­­bestigasyon ng pulisya upang matukoy kung may naganap na foul play.

vuukle comment

ALEJANDRO BILLEDO

ANDY

AYON

CALOOCAN

CALOOCAN CITY

DINAMDAM

RUBYVILLE SUBD

SHY

STATION INVESTIGATION DIVISION MANAGEMENT BRANCH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with