^

Metro

Ama tinarakan ng anak

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Sugatan ang isang ama ng tahanan nang saksakin ito ng kanyang sariling anak matapos magtalo ang dalawa dahil lamang sa hindi naisauling mo­nitor ng computer kamakalawa sa Malabon City.

Ginagamot sa Pagamutang Lungsod ng Malabon si Marcelino Diaz, 62, ng Bagong Lote, Brgy. Potrero ng nabanggit na lungsod. Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Marlon, 30, nakatira sa nabanggit na lugar.

Naganap ang insidente dakong alas-3 ng hapon nang magpunta ang suspek sa bahay ng ama kung saan tinanong ang biktima kung bakit hindi pa isinosoli ang pag-a­aring monitor ng computer.

Nagkainitan ang mag-ama hanggang sa kumuha ng patalim si Marlon at sinaksak ang biktima.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang nagpagamot ng sugat ang biktima bago nagpunta sa presinto at nagreklamo laban sa anak.

vuukle comment

BAGONG LOTE

BRGY

GINAGAMOT

MALABON

MALABON CITY

MARCELINO DIAZ

MARLON

MATAPOS

NAGANAP

PAGAMUTANG LUNGSOD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with