^

Metro

Inuman niratrat, 2 sugatan

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nabahiran ng dugo ang pag-iinuman sa gilid ng kalsada ng dalawang lalaki makaraang ratratin sila ng bala ng dalawang suspect na magkaangkas sa motorsiklo, kahapon ng madaling araw sa Makati City.

Kasalukuyang inoobserbahan pa sa Ospital ng Makati ang mga biktimang sina Christopher Panganiban, 27 at Keempee Dela Cruz, 20, kapwa residente ng Araro St., Brgy. Palanan sanhi ng tinamong tama ng bala ng kalibre .45 sa paa, hita at likod.

Mabilis namang tumakas ang mga suspect sakay ng dalawang Mio motorcycle na hindi nakuha ang plate number patungo sa hindi nabatid na direksiyon.

Naganap ang insidente dakong alas-3:10 ng madaling araw habang nag-iinuman ang dalawang biktima malapit sa tapat ng kanilang bahay sa Araro St.

Bigo naman ang mga imbestigador ng Makati police na matukoy ang motibo sa naturang pamamaril habang nakuha sa lugar ang ilang basyo ng kalibre .45 baril na ginamit ng mga suspect ngunit hinihinala na gantihan ang dahilan nito dahil sa hindi naman propesyunal na killer ang mga suspect na namaril.

vuukle comment

ARARO ST.

BIGO

BRGY

CHRISTOPHER PANGANIBAN

KASALUKUYANG

KEEMPEE DELA CRUZ

MABILIS

MAKATI

MAKATI CITY

MIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with