^

Metro

Mag-utol dedo sa parak­

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Patay ang magka­patid na lalaki matapos na mabaril ng isang pulis na hi­ni­ngan ng tulong ng mga residente na kinukur­sunada ng una sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot dahil sa tama ng bala sa mukha si Reynante de Asis Montero, 17, truck helper at residente ng Building 22 Permanent Housing, Vitas Tondo habang hindi naman umabot ng buhay sa Tondo Medical Center ang kapatid nitong si Lester, 19,  scavenger. 

Kusa namang sumuko sa kapwa niya mga awto­ridad si PO2 Jayson Ibasco, 31, may-asawa, naka­talaga sa MPD-Homicide Section  at residente din ng lugar.

Ayon kay Sr. Insp. Armand­ Macaraeg, hepe ng MPD-Homicide Section, dakong alas-8:15 ng gabi nang maganap ang nasabing insidente sa ika­lawang palapag ng gusali ng Permanent Housing sa  nasabing lugar.

Isang nagngangalang Leo umano ang kinukursanadang patayin ni Les­ter na armado ng sumpak. Hindi umano makalabas ng bahay si Leo kung saan dadalhin nito ang anak sa ospital.

Dahil dito, humingi ng tulong ang isang Mi­racle Fuentes, kay Ibasco na kanila ring kapitbahay upang ka­usapin at awatin ang magkapatid. Sinabi ni Ibasco na dapat pag-usapan ang gulo sa barangay.

Subalit sinabihan ng magkapatid ang pulis na huwag makialam sabay tutok ng sumpak at tinangkang agawin ang service firearm nito.

Dito na binaril ni Ibasco si Reynante hanggang sa   isinunod si Lester.

vuukle comment

ASIS MONTERO

HOMICIDE SECTION

IBASCO

JAYSON IBASCO

PERMANENT HOUSING

REYNANTE

SHY

SR. INSP

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with