^

Metro

Imbes na gumanda, mukha nasunog, nagkabutlig pa

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Naghain ng reklamo sa Manila Police District-General Assign­ment Section ang dalawang dalaga na sa halip umanong kuminis ay nasunog at nagka-butlig ang mga mukha sa Sta. Ana, Maynila. Batay sa reklamo ng dalawang biktima na itinago sa pangalang Liza, 25, ng Tondo; at Lyka, 22, ng Imus, Cavite, nadismaya sila sa kinalabasan ng derma enhance­ment na isinagawa ng isang “Dr. Adrales” na umano’y isang bading­ at may klinika sa Sagrada Familia St., Sta. Ana, Maynila. Ayon kay SPO1 Abelardo Aguilar, noong nakaraang Agosto 6, dakong alas-5:00 ng hapon nang isagawa ang nasabing beauty enhancement. Nagbayad umano si Liza ng halagang P2,956. Habang si Lyka naman ay P3,500. Sa nasabing serbisyo. Unang namula umano ang kanilang mga mukha at makalipas ang mahigit isang linggo ay tinubuan pa ng butlig-butlig kaya napilitan silang lumabas ng bahay at ireklamo ang doktor.   

vuukle comment

ABELARDO AGUILAR

AGOSTO

AYON

BATAY

CAVITE

DR. ADRALES

LYKA

MANILA POLICE DISTRICT-GENERAL ASSIGN

MAYNILA

SAGRADA FAMILIA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with