^

Metro

Pag-ihi ng driver, sinamantala ng karnaper

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Sinamantala ng nag-iisang karnaper ang ginawang pag-ihi ng isang taxi driver saka tinangay ang minamaneho nitong taxi sa Quezon City, kahapon ng madaling-araw.

Bukod sa minamanehong taxi, natangay din ng karna­per ang perang kinita ng biktimang si Efren Mendoza, na nakalagay sa pitaka.

Ayon kay Mendoza, nangyari ang insidente sa may Kaingin Road corner EDSA, malapit sa urinal ng MMDA.

Sinasabing nagpasya si Mendoza na iparada ang kanyang taxi matapos na makaramdam ng pag-ihi.

“Umihi lang ako, nang lingunin ko may tao na sa loob ng taxi ko. Pagpunta ko, pinaandar na, hindi ko na naabutan,” sabi ni Mendoza.

Bukod sa taxi na tatak “Mama” (TXJ-896) ay naroon din ang kanyang pitaka na naglalaman ng kinita sa buong magdamag na pamamasada.

Sinasabing nakagawian na ng maraming taxi drivers na hindi i-lock ang kanilang sasakyan sa sandaling magbabawas o iihi sa isang lugar na kung saan sila sumpungin nito.

Inalarma na ng pulisya ang nasabing taxi sa lahat ng presinto sa lugar para sa posibleng pagrekober dito, habang patuloy ang pagsisiyasat ng awtoridad sa na­sabing insidente.

vuukle comment

AYON

BUKOD

EFREN MENDOZA

INALARMA

KAINGIN ROAD

MENDOZA

PAGPUNTA

QUEZON CITY

SINASABING

TAXI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with