^

Metro

Traffic enforcer humabol ng violator, tigok sa aksidente

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines -  Patay ang isang traffic enforcer makaraang tumilapon sa minamanehong motorsiklo na bumangga sa bangketa bago masagasaan ng isang Asian utility vehicle (AUV)habang hinahabol­ ng una ang isang traffic violator sa lungsod­ Quezon kahapon­ ng madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Enrique Viray, traffic enforcer ng Brgy. Ugong Norte at residente sa Pasig City.

Ayon ulat, dead on the spot sa lugar si Viray matapos na magtamo ng serious injuries sa buong katawan.

Nangyari ang insidente sa harap ng Mormon Church sa kahabaan ng Temple Drive sa Brgy. Ugong Norte, ganap na alas-12:30 ng madaling-araw.

Sinasabing si Viray ay nasagasaan ng isang kulay gray na Toyota Innova (ZPY-550) na service ng Mormon Church at minamaneho­ ng isang Kermit Larson.

Nabatid na minamaneho ng mabilis ni Viray ang kanyang motorsiklo (1946-UI) sa naturang lugar dahil hinahabol­ nito ang isang sasakyang lumabag sa batas trapiko.

Gayunman, nasa mabilis na takbo si Viray nang bigla itong mapahinto matapos na humarang sa daraanan niya ang isang Innova na papalabas sa Mormon Church.

Masyado umanong nadiinan ni Viray ang preno ng kan­yang motorsiklo sanhi para lumihis ito saka tumama siya sa bangketa. Dahil sa lakas ng impact, kumalas sa kanyang motorsiklo ang biktima papunta sa ilalim ng Innova­ dahilan para masagasaan siya nito at masawi.

vuukle comment

BRGY

ENRIQUE VIRAY

INNOVA

ISANG

KERMIT LARSON

MORMON CHURCH

PASIG CITY

SHY

UGONG NORTE

VIRAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with