^

Metro

Helper iniwan ng ka-live-in, nagbigti

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Patay ang isang 22-anyos na helper na nagbigti sa loob ng tinutuluyang container quarter matapos hiwalayan ng live-in partner sa Binondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Insp., Armand Macaraeg ang biktimang si Julius Angco, namamasukan bilang helper sa Rd’s Venture Repair Ser­vices, sa Muelle de Industria, San Nicolas, Binondo.

Sinabi ng security guard na si Juanito Magarro, nagpahiwatig na umano ang bik­­ tima na magpapakamatay nang sambitin nito na “Eto na ang huling kita mo sa akin” bago ito nakitang nakabitin, gamit ang nylon cord, dakong alas-7:45 ng gabi, kamakalawa sa loob ng tinutuluyan nilang container house, ng nasabing kompanya.

Nakipag-inuman pa ang biktima sa ilang kaibigan at naikuwento pa nito ang bigat ng loob dahil iniwan siya ng kinakasama.

Natuklasan lamang ng mga kasamahan sa trabaho na wala ng buhay si Angco nang sunduin nila ito.

vuukle comment

ANGCO

ARMAND MACARAEG

BINONDO

ETO

INDUSTRIA

JUANITO MAGARRO

JULIUS ANGCO

KINILALA

SAN NICOLAS

VENTURE REPAIR SER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with