^

Metro

Vendors sa City Hall winalis

- Doris Franche-Borja -

Manila, Philippines - Tuluyan nang winalis ni Manila City Hall City Security Force (CSF) chief Ret. Major Nicolas Amparo ang mga vendor sa loob ng Manila City Hall matapos ang patung-patong na reklamo ng publiko.

Ayon kay Amparo, agad siyang naglabas ng ka­utusan na nagbabawal sa mga vendor­ na magtinda sa loob ng city hall dahil nakakasikip ang mga ito sa mga nagsasagawa ng transaksiyon.

Aniya, may mga canteen at lugar ng kainan sa city hall kung kaya’t walang dahilan upang magkalat ang mga vendor.

Sinabi ni Amparo na may mga vendor na silang hinuli at kinasuhan na indikasyon na hindi sila nagpapabaya sa kanilang tungkulin.

Bukod dito, sinabi pa ni Amparo na nagpamahagi na sila ng anunsiyo sa mga vendor na bawal na ang pagtitinda sa loob ng City Hall.

Dinagdag pa ni Amparo na bukod sa kanilang mahigpit na seguridad laban sa mga vendor, mahigpit din ang kanilang pagbabantay laban sa mga nagbabalak gumawa ng kaguluhan sa city hall.

vuukle comment

ANIYA

AYON

BUKOD

CITY

CITY HALL

MAJOR NICOLAS AMPARO

MANILA CITY HALL

MANILA CITY HALL CITY SECURITY FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with