^

Metro

13-anyos binoga sa ulo ng 16-anyos

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Napatay ang isang 13- anyos na binatilyo ng sariling pinsan na 16-anyos  habang naghahapunan, kasama ang kani-kanilang kapatid sa Sampaloc, Maynila kamakalawa ng gabi.

Nagtamo ng bala ng pen gun sa ulo  si John Carl Sar­­miento, 2nd year high school student ng H. Sta. Teresita Street, Sampaloc, Maynila.

Naiturn-over na ni Manila Police District-station 4 chief, Supt. Jemar Mode­quillo ang  suspect na iti­nago sa pangalang Arden na sinasabing kasama sa bahay ng biktima.

Sa ulat ni  SPO2 Benito Cabatbat, ng MPD-Homicide Section, dakong alas-6 ng gabi habang kumakain ang biktima, mga kapatid at ilang pinsan kasama ang suspek nang mabaril ito sa ulo.

Ikinagalit ng isang 14- anyos na kapatid ng suspect nang tumingin ng masama ang biktima.

Hinawakan pa ng biktima ang kaniyang tenga bago narinig nila ang putok at nahulog ito sa silya na may umaagos na dugo sa mukha nito.

Hindi naman narinig na nag-aaway ang magpi-pinsan kaya nagulat sila sa nangyari.

Mabilis din lumabas ng bahay ang suspect at kapatid nito para magpasaklolo sa  mga kapitbahay at dalhin ang biktima sa ospital.

Sa depensa ng suspect, aksidente lang na pumutok ang baril at hindi niya sinasadya.

Nang tanungin hinggil sa baril, nabili niya ito sa kaibigan sa halagang P200.

vuukle comment

ARDEN

BENITO

HOMICIDE SECTION

JEMAR MODE

JOHN CARL SAR

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

TERESITA STREET

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with