^

Metro

Pulis patay sa pagresponde

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang bagitong pulis na nagresponde sa isang kaguluhan makaraang maunahan siyang mabaril ng mga hindi nakilalang lalaki, kahapon ng madaling-araw sa Muntinlupa City.

Isang tama ng bala sa dibdib ang kumitil sa buhay ng   biktimang nakilalang si PO1 Alvin Ammak, tubong Zamboanga City at nakatalaga sa Police Community Precinct (PCP) 2, ng Muntinlupa City Police. Malubhang nasu­ga­tan naman makaraang ta­maan rin ng bala sa pisngi ang sibilyang si Lancilop Padulle, residente ng Brgy. Buli sa naturang lungsod na unang nakaenkuwentro ng mga suspect sa isang videoke bar.

Sa ulat ng Muntinlupa Police, unang nagkaroon ng kaguluhan sa loob ng Evelyn Videoke Bar sa may Alabang dakong alas-12 ng hatinggabi nang magkabanggaan ang grupo ng mga salarin at ng biktimang si Padulle.

Pauwi na si Padulle nang sundan ng mga salarin at pinagtulungang gulpihin pagsapit sa Montillano footbridge, Alabang hanggang sa barilin sa mukha ng isa sa mga ito. Narinig naman ng nagpapatrulyang pulis na si Ammak ang putok ng baril at nirespondehan ang lugar ngunit paakyat pa lamang siya ng footbridge ay agad na itong sinalubong ng putok ng baril.

Bagama’t nag-iisa, nakipagpalitan ng putok ang pulis subalit minalas na nahagip ng bala sa dibdib. Mabilis na tumakas ang mga suspect habang isinugod naman sa pagamutan ang pulis subalit idineklarang patay dakong alas-2:25 ng madaling araw.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya kung saan hinihingan ng pahayag ang mga tauhan ng nabanggit na videoke bar upang makilala ang mga salarin.

vuukle comment

ALABANG

ALVIN AMMAK

EVELYN VIDEOKE BAR

LANCILOP PADULLE

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA CITY POLICE

MUNTINLUPA POLICE

PADULLE

POLICE COMMUNITY PRECINCT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with