^

Metro

Bebot binoga sa bibig, patay

- Ni Ludy Bermudo­ -

MANILA, Philippines - Patay ang isang hindi pa nakikilalang babae ma­tapos na barilin sa bibig na tumagos sa bumbunan nito kama­kalawa ng gabi sa Islamic Area sa Quiapo, Maynila.

Dead-on-the-spot ang biktimang inilarawan ni PO2 Roderick Pacilan na nasa edad na 22 hanggang 25, maputi ang balat, hanggang balikat ang buhok, nakasuot ng kulay brown na blouse at sleeveless na blue at orange stripes, cargo pants na itim at brown na tsinelas. May tattoo sa kanang kamay na ‘Rosauro’.

Sa ulat, dakong alas- 9:25 kamakalawa ng gabi nang maganap ang na­sabing pamamaril sa biktima sa tapat ng #1035 R. Hidalgo St., Quiapo, sa Bgy. 393 Zone 40.

Sa pahayag ng isang 17-anyos na lalaki, nasa loob siya ng bahay nang makarinig siya ng malakas na putok at nakita niyang nakahandusay sa sementadong kalye ang biktima.

Isang basyo ng bala ng kalibre .45 ang narekober sa pinangyarihan ng krimen.

Narekober din ang mga gamit ng biktima tulad ng relos, silver na kwintas at singsing, isang kaha ng sigarilyo at P59 cash sa bulsa.

Hindi pa matukoy ang motibo ng pamamaslang subalit tinitingnan ng pulisya ang anggulo na may ka­ugnayan sa iligal na droga­ at love triangle.

vuukle comment

BGY

HIDALGO ST.

ISANG

ISLAMIC AREA

MAYNILA

NAREKOBER

PATAY

RODERICK PACILAN

ROSAURO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with