^

Metro

Mag-ina sugatan sa sunog

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Kapwa sugatan ang isang ina at sanggol nitong anak nang sumiklab ang sunog na lumamon sa luma na nilang bahay, kahapon ng tanghali sa Pasay City.

Isinugod sa Pasay City General Hospital makaraang magtamo ng 1st degree burn sina Cejay Lawrence Padilla, 25 at sanggol na anak na si Crizel, 1-anyos nang makalabas sa nasusunog nilang tirahan sa 664 Dimasalang St., Brgy 116 Zone 14, sa naturang lungsod.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection, dakong alas-12:30 ng tanghali nang sumiklab ang apoy sa kabila ng pag-ulan sa lungsod ng Pasay. Naapula naman ito ng mga rumespon­deng bumbero matapos ang halos isang oras. Hindi naman kumalat sa iba pang kadikit na kabahayan ang sunog nang magtulong-tulong ang magkakapitbahay na apulahin ang apoy bago pa man dumating ang mga kagawad ng Pasay city fire department. May hinala naman si Barangay Captain Ernesto Lescano na sanhi ng hindi maayos na linya ng kur­yente ang sanhi ng nangyaring sunog.

vuukle comment

BARANGAY CAPTAIN ERNESTO LESCANO

BRGY

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CEJAY LAWRENCE PADILLA

CRIZEL

DIMASALANG ST.

ISINUGOD

PASAY

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with