^

Metro

Preso nagtangkang pumuga, patay sa boga

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Nabaril at napatay ang isang preso sa Manila City Jail   (MCJ) makaraang magtangka umano itong tumakas sa pamamagitan ng pagtalon sa bubungan ng Medical Infirmary Building sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Isinugod pa sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang bilanggong si Fritz Agipo, 18, nakapiit sa Dorm 2 ng MCJ at may kasong theft pero binawian din ito ng buhay.

Ayon sa ulat, dakong alas-6:15 ng gabi nang maganap ang nasabing insidente sa bubungan ng Infirmary Clinic ng MCJ.

Namataan umano ang nasawi ng isa ring inmate na si Eduardo Cabral, 43, na tumatakas patungo sa bubungan ng MCJ at isinumbong sa kanilang kakosa na si Joey Gaitus, 33.

Hindi umano pinansin ni Agipo ang paninita ng dalawang kapwa inmates hanggang sa iparating na umano ang impormasyon sa kanilang ‘mayor’ na si Donato Castañeda na nagsuplong kay Senior Jail Oficer 3 na si Agapito Gacuan, naka-duty bilang desk officer sa Custodial Security Unit ng nasabing piitan.

Hinabol ni Gacuan ang biktima na nagpalipat-lipat ng bubungan kaya nag-warning shot ito at inatasang dumapa na lamang ang biktima ngunit hindi umano ito sumunod at sa halip ay tumalon ito sa barung-barong na nasa gilid ng MCJ hanggang sa barilin na siya ni Gacuan.

vuukle comment

AGAPITO GACUAN

CUSTODIAL SECURITY UNIT

DONATO CASTA

EDUARDO CABRAL

FRITZ AGIPO

GACUAN

INFIRMARY CLINIC

JOEY GAITUS

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with