^

Metro

Libreng MRT rides sa mga marino

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Kasabay nang pagdiriwang ng Seafarer’s Day, nagbigay ng libreng sakay ang Metro Rail Transit (MRT) 3 para sa mga pasahero nitong seafarers kahapon. Nabatid na ang libreng sakay para sa mga seamen ay isinagawa simula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga at alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi. Kinailangan lamang ng mga seafarer na ipakita ang ka­nilang mga balidong seaman’s book sa service gate ng MRT station upang makakuha ng libreng sakay. Pinapipirma rin muna ang pangalan ng mga ito sa logbook ng security guard bago tuluyang isailalim sa baggage inspection­. Layunin umano ng naturang libreng sakay na kilalanin ang kontribusyon ng mga seaman sa bansa.   

vuukle comment

ALAS

KASABAY

KINAILANGAN

LAYUNIN

LIBRENG

METRO RAIL TRANSIT

NABATID

PINAPIPIRMA

SAKAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with