^

Metro

3 'manyakis' na holdaper, timbog

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Nasukol ng mga barangay tanod ang tatlong hinihinalang holdaper na itinuturong responsable sa serye ng pang­hoholdap sa Sta. Cruz, Maynila, sa aktong binibiktima at hinihipuan pa ang hinubarang dalaga sa loob ng tricycle, kahapon ng madaling-araw.

Arestado ang mga suspect na sina Jose Flores, 23; Veron Amonelo, 22; at Joel Samson, 30, pawang residente ng Solis St., Tondo.

Sa takot at kahihiyan, hi­ni­ling ng biktimang 22-anyos na dalaga na itago ang kanyang pangalan.

Ayon sa ulat, papauwi na ang biktima at habang naglalakad sa naturang lugar ay biglang sumulpot ang isang kulay asul na tri­cycle (ON-4368) na sina­sakyan ng mga suspect. Nilapitan at agad na tinutukan ng patalim ang biktima at inagaw ang kanyang dalang bag na nag­lalaman ng mga personal na kagamitan, cash at valuables­ na nagkaka­halaga ng P4,705.

Isinakay pa umano siya sa tricycle at doon ay hinubaran at pinaghihipuan ng mga suspect sa maseselang bahagi ng katawan.

Nagkataon na nagpa­patrulya ang ilang barangay tanod na nakasulyap sa tricycle na may humihiyaw kaya nilapitan at nagsipulasan ang ibang suspect na nagresulta sa pagkaka-aresto lamang sa tatlo.

May dala pa umanong baril ang nakatakas na mga suspect.

vuukle comment

ARESTADO

AYON

CRUZ

ISINAKAY

JOEL SAMSON

JOSE FLORES

MAYNILA

SHY

SOLIS ST.

VERON AMONELO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with