^

Metro

Showdown sa sayawan, nauwi sa saksakan

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Arestado ang isang 16-anyos­ na dalagita ma­tapos saksakin ang kapwa niya dalagita sa isang sa­yawan ng kapistahan sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Ginagamot sa Ospital ng Tondo ang biktimang itinago sa pangalang Lu­ningning, 17, sanhi ng tinamong saksak sa balikat.

Nakatakda namang ilipat ng pulisya sa kustodiya ng Manila-DSWD ang dinakip na suspect na si Giselle.

Dakong alas-2:20 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa sayawan sa panulukan ng Limay at Hermosa Sts., Tondo.

Nabatid na sa gitna ng sayawan at inuman sa pag­diriwang ng pista sa na­sabing lugar ay bigla na lamang nag­kainitan ang suspect at biktima habang nagso-showdown sa pagsasayaw.

Napikon umano ang suspect, na lingid umano sa kaalaman ng biktima ay may bitbit na kutsilyo at sinaksak ito sa balikat at saka umalis sa kasayahan.

Sa isinagawang follow-up operation ay nadakip ang suspect na dahil sa menor-de-edad ay nakatakdang ilipat ang kustodiya sa DSWD.

vuukle comment

ARESTADO

DAKONG

GINAGAMOT

HERMOSA STS

LIMAY

MAYNILA

NABATID

NAKATAKDA

NAPIKON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with