^

Metro

Killers ng lady broadcaster, tukoy na

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Tiwala ang Philippine National Police (PNP) na hindi na magtatagal at malulutas na ang kaso at mabibigyan ng hustisya ang pagpatay kay DZME lady anchor Marlena “Len” Flores Sumera na pinagbabaril sa Malabon City noong Marso 24.

Ayon kay PNP Chief Director General Raul Bacalzo, may mga tinututukan na silang mga pangalan ng mga suspect at may ilan na ring mga testigo ang mga imbestigador upang malutas sa lalong madaling panahon ang krimen.

Sinabi naman ni Bacalzo na ang alitan sa lupa ang lumilitaw na pangunahing motibo sa krimen taliwas sa unang lumutang na robbery/hold-up ang sanhi ng pagpatay kay Sumera.

Idinagdag pa nito, bagaman miyembro ng media si Sumera ay mas higit na lumalakas ang anggulo ng pagiging Presidente nito ng Homeowners Association sa kanilang lugar sa Malabon City, ang motibo ng krimen.

Si Sumera ay siyang overall President sa Silonian, Sitio Rosal, Interior Tongco at Saloma Neighborhood Association na may kabuuang lupaing 4.2 hektarya sa Ma­labon City.

vuukle comment

CHIEF DIRECTOR GENERAL RAUL BACALZO

FLORES SUMERA

HOMEOWNERS ASSOCIATION

INTERIOR TONGCO

MALABON CITY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SALOMA NEIGHBORHOOD ASSOCIATION

SI SUMERA

SITIO ROSAL

SUMERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with