^

Metro

Inalok magnegosyo: Estudyante, ginahasa

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Hindi akalain ng isang estudyante na mapapariwara siya nang tanggapin ang iniaalok na ‘negos­yo’ ng isang negosyante, matapos na gahasain habang gumagamit ng illegal na droga sa Pasig City kamakalawa ng gabi.

 Kaagad namang nagtungo sa Children and Women’s Protection Desk ng Pasig City Police ang biktimang itinago sa pangalang Annie, 22, estudyante ng Jose Rizal University at residente ng Bgy. Pinagkaisahan, Makati City, upang ireklamo ng rape ang suspect na si Mariano Melendres alyas “Alvin”, 35, binata, at residente ng Unit 410, Rama Building, East Raya Gardens, Mercedes Ave., Brgy. San Miguel, Pasig City. Kasalukuyan itong nakadetine sa Pasig City Police detention cell.

Sa reklamo ng biktima kay PO2 Abigail Saguid, lumilitaw na naganap ang insidente dakong alas-6 kamakalawa ng gabi sa condominium unit ng suspect.

Nauna rito, nakatanggap umano ang biktima ng text messages mula sa suspect at inalok ng negosyo na magbenta ng mga imported na damit.

Dala umano ng kahirapan, nagka-interes ang biktima at nagkasundo ang dalawa na magtungo sa condo ng suspect upang makita ang mga ‘items’.

Pagsapit sa loob ng condo unit ay agad nang pinaghihipuan ng suspect sa maseselang bahagi ng katawan ang biktima at pilit pinaghubad. 

Tinangka umanong manlaban ng biktima, ngunit pinagbantaan siya ng suspect at tinakot na itinimbre na siya sa guwardiya, lalo na’t hindi naka-log ang pagpasok niya sa condo at maa­aring makasuhan. 

Matapos ang panggagahasa, ay pinayagan na ng suspect na umuwi ang biktima na agad namang nagtungo sa pulisya at pinaaresto ang suspect.

vuukle comment

ABIGAIL SAGUID

CHILDREN AND WOMEN

EAST RAYA GARDENS

JOSE RIZAL UNIVERSITY

MAKATI CITY

MARIANO MELENDRES

MERCEDES AVE

PASIG CITY

PASIG CITY POLICE

SUSPECT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with