^

Metro

2 fetus ibinasura

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Dalawang fetus ang na­tagpuan sa magkahiwalay na lugar sa Maynila kahapon ng umaga.

Ayon kay Insp. Armand Macaraeg, hepe ng MPD-Homicide Section, itinawag sa kanila kahapon, dakong alas-6 ng umaga nang ma­tagpuan ang isang plastic na naglalaman ng tinatayang tatlo hanggang apat na buwang fetus, wala pang kasarian, sa may tambak na basura sa gilid ng gasoline station, sa 25th St., Port Area, Maynila

Dakong 7:45 ng uma­ga  nang matagpuan din sa gilid ng kalye, sa panulukan ng Hermosa at Pilar Sts., sa Tondo, ang nasa dalawa hanggang apat na buwang fetus at wala pa ring nakitang kasarian. Nakasilid ito sa isang maliit na kahon na inilagay sa paper bag.

Inilagak ang mga fetus sa St. Ivan Funeral Homes.

vuukle comment

ARMAND MACARAEG

AYON

DAKONG

DALAWANG

HERMOSA

HOMICIDE SECTION

INILAGAK

MAYNILA

PILAR STS

PORT AREA

ST. IVAN FUNERAL HOMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with