^

Metro

Akyat-bahay gang member, sinalvage

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Isang umano’y miyembro ng notoryus na  Akyat-Bahay Gang ang pinaniniwalaang sinalvage matapos na matagpuan ang bangkay nito na tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan sa Pasig City kahapon ng madaling-araw.

Isang karatula rin, na may nakasulat na, “Huwag tularan, akyat-bahay, magnanakaw,” ang natagpuang nakasabit sa katawan ng di kilalang biktima na inilarawang nasa 20-anyos, may taas na 5’ at nakasuot ng kulay gray na t-shirt, shorts at tsinelas, may silver na hikaw sa kanang tainga at may tattoo sa kaliwang braso na pangalang ‘Arnold.’

Sa imbestigasyon ni PO3 Lardy Ignacio, ng Station Investigation Detection Management Branch (SIDMB) dakong alas-4:40 ng madaling-araw nang matagpuan ng security guard na si Heing Jie Castillo, 21, ang biktima sa mismong gate ng Metro Stone Rich Corp., sa #10 Evangelista St., Santolan, Pasig.

Bukod sa tadtad ng saksak sa katawan, nakabalot din ng packaging tape ang buong ulo at mukha nito at saka itinali  ang mga kamay at paa sa kaniyang likuran.

Naglalakad umano ang guwardiya sa lugar nang mapansin ang bangkay kaya’t ini-report agad ito sa pulisya.

Inaalam ng pulisya kung sino ang may kagagawan sa krimen.

 

vuukle comment

AKYAT-BAHAY GANG

BUKOD

EVANGELISTA ST.

HEING JIE CASTILLO

HUWAG

ISANG

LARDY IGNACIO

METRO STONE RICH CORP

PASIG CITY

STATION INVESTIGATION DETECTION MANAGEMENT BRANCH

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with