^

Metro

Bebot nalaglag sa gusali, utas

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang babae makaraang malaglag buhat sa ika-17 palapag ng isang gusali, kahapon ng umaga sa Makati City.

Nakilala lamang sa pamamagitan ng nakuhang identification card ang biktima na si Cita Dinglasan, nasa pagitan ng edad na 26-32 anyos.

Sa inisyal na ulat, naganap ang insidente dakong alas-6:30 ng umaga sa Tuscany Condominium na nasa 6731 Ayala Avenue, ng naturang lungsod.

Ayon sa imbestigasyon, nanggaling umano ang biktima buhat sa ika-17 palapag ng naturang gusali at diretsong bumagsak sa sementadong sahig sa ibaba sanhi ng agad na kamatayan nito.

Patuloy naman ang masusing imbestigasyon ng pulisya kung saan nakikipag-ugnayan sila sa pamunuan ng naturang gusali upang makakuha ng sapat na impormasyon upang mabatid kung tenant ang biktima at ang pangyayari bago maganap ang insidente.

vuukle comment

AYALA AVENUE

AYON

BIKTIMA

CITA DINGLASAN

GUSALI

MAKATI CITY

NAKILALA

NASAWI

PATULOY

TUSCANY CONDOMINIUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with