^

Metro

2 parak nag-duelo: 1 patay

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Isa ang patay makaraang magduwelo ang dalawang pulis sa harapan ng kanilang istasyon dahil sa matagal nang alitan, kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa City.

Naisugod pa sa Medical Center-Muntinlupa ngunit nasawi rin dakong alas-11 ng gabi ang biktimang si PO2 Ronald Natuel, nakatalaga sa Station Intelligence Section ng Muntinlupa police. Nagtamo ito ng tama ng bala ng kalibre 9mm pistola sa ulo.

Sumuko naman sa kanyang hepe na si Sr. Supt. Eleazar Matta ang suspek na si PO2 Roberto Lanting, nakatalaga sa Criminal Investigation Section, at residente ng Alabang, Muntinlupa.

Sa rekord ng Muntinlupa police, dakong alas-6:55 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa mismong harap ng Muntinlupa police station.

Nabatid na nagsimula umano ang alitan ng dalawang pulis noon pang taong 2008 sa simpleng pang-aasar ni Lanting kay Natuel na pikon ito at iyakin. Muling nag-krus ang landas ng dalawa kamakalawa ng gabi nang sitahin umano ni Natuel si Lanting kung bakit ipinagkakalat hanggang ngayon na siya’y iyakin. Naging mainit umano ang pagtatalo ng dalawa hanggang kapwa nagbunot ng kanilang mga baril.

Sa opisyal na ulat naman na inihanda nina SPO2 Ronnie Tamondong at SPO2 Rodel Torres, nagkaroon pa umano ng agawan sa baril ang dalawa kung saan unang nagbunot si Lan­ting­. Nang pumutok ang baril, duguang bumulagta ang biktima nang ito ang tamaan ng bala.

vuukle comment

CRIMINAL INVESTIGATION SECTION

ELEAZAR MATTA

MEDICAL CENTER-MUNTINLUPA

MUNTINLUPA

MUNTINLUPA CITY

NATUEL

ROBERTO LANTING

RODEL TORRES

RONALD NATUEL

RONNIE TAMONDONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with