^

Metro

Driver, minartilyo ng pasahero

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Sugatan ang isang jeepney driver matapos na mar­tilyuhin ng isang pasahero na una nitong pinababa dahil sa pagyoyosi at pakikipag-away sa iba pa niyang pasahero sa Pasig City kahapon ng madaling-araw.

Biyak ang noo ng biktimang si Ferdinand Melanio, ng Pasig City, matapos na hatawin ng martilyo sa ulo ng suspect na si Marvin Ramos, 20, binata,.

Sa reklamo ng biktima, lumilitaw na madaling-araw ng Linggo nang maisakay niya ang suspect na nagsindi ng sigarilyo na sinita naman ng kanyang mga kapwa pasahero hanggang sa mauwi sa mainit na pagtatalo. 

Dahil sa pagmamatigas ng suspect, isa umano sa mga pasahero ang sumampal dito, kaya’t namagitan na umano ang biktima upang hindi na lumala pa ang gulo.

 Isinauli umano ni Melanio ang pamasahe ng suspect, at saka ito pinababa upang makalipat ng ibang jeepney.

 Sa pag-aakalang tapos na ang gulo ay ipinagpa­tuloy na ng biktima ang pamamasada, ngunit pag-ikot umano nito ay biglang tinawag ng suspect at pinukpok ng martilyo­.

Tangka pa umano siyang hatawin ulit ng suspect, ngunit natigil ito nang dumating ang mga miyembro ng Pasig Ordnance Police. Sasampahan ng kasong frustrated murder ang suspect.

vuukle comment

BIYAK

DAHIL

FERDINAND MELANIO

ISINAULI

LINGGO

MARVIN RAMOS

PASIG CITY

PASIG ORDNANCE POLICE

SUSPECT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with