^

GRO nalason sabottled water

- Danilo Garcia () - February 26, 2011 - 12:00am

MANILA, Philippines - Isang guest relation officer (GRO) ang isinugod sa pagamutan makaraang malason umano sa ininom na bottled water na nasa refrigerator sa loob ng kuwarto ng isang motel makaraang mag check-in kasama ang umano’y isang bise-alkalde, kahapon ng mada­ling araw sa Pasay City.

Naagapan naman ng mga manggagamot ng Pasay City General Hospital ang biktimang si Emily Dionisio, 20, ng Benita St., Gagalangin, Tondo, Maynila­.

Sa ulat ng Pasay police, dakong alas-4:30 ng mada­ling araw nang mag-check-in sa isang motel sa Pasay kasama ang umano’y isang vice mayor ng isang lala­wigan base sa spot report ng imbestigador na si PO3 Simon Respicio Jr.

Kapapasok pa lamang sa kuwarto ng da­lawa nang agad na kumuha ng tubig sa refrigerator si Dionisio at ininom.  Makalipas ang ilang sandali, bigla na lamang nag­ susuka at bumula ang bibig ng babae.

Humingi naman ng saklolo sa mga tauhan ng naturang motel ang kasamang lalaki ni Dionisio kung saan isinugod ito sa pagamutan .

Ayon kay Chief Insp. Raymund Liguden, hepe ng Station Investigation and Detective Management Section ng Pasay police, hinihintay pa nila ang resulta ng pagsusuri ng Food and Drugs Authority (FDA)  sa sampol ng tubig na ininom ng biktima upang mabatid kung ito nga ang sanhi ng pagkalason ng biktima.

Tumanggi naman ang pa­munuan ng motel na magpalabas ng pahayag habang hinihintay pa ang payo ng kanilang abogado sa insi­dente.

BENITA ST. CHIEF INSP DIONISIO DRUGS AUTHORITY EMILY DIONISIO PASAY PASAY CITY PASAY CITY GENERAL HOSPITAL RAYMUND LIGUDEN SHY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with