^

Metro

Sekyu dedo sa sumpak

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang security guard ang nasawi makaraang sumpakin habang nagpapatrulya laban sa mga magnanakaw ng kawad ng telepono at kuryente sa isang subdibisyon sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Dead on arrival sa ospital ang biktimang si Noel Ruyanduyan, 27, ng Sitio 4 Kaliwa, Barangay Batasan Hills, sa lungsod.

Patuloy naman ang follow-up operation ng Criminal In­ves­tigation and Detection Unit ng QCPD laban sa mga suspect na natukoy sa mga alyas na Briggs, Payat at Francis na sinasabing mga tirador ng mga kawad ng kuryente at telepono sa lugar.

Sa ulat, nangyari ang in­si­dente sa may Sunnyside Heights, Brgy. Batasan Hills ganap na alas-12:30 ng hapon.

Diumano, nagpapatrulya ang biktima sa kanyang binabantayang subdibisyon dahil sa talamak na pagnanakaw ng nasabing mga kawad dito. Habang naglalakad, bigla na lamang sumulpot ang mga suspect na armado ng sumpak at binaril ang biktima, saka nagsipagtakas.

Nagawa pang maisugod sa East Avenue Medical Center ang biktima ngunit idi­neklara din itong patay.

vuukle comment

BARANGAY BATASAN HILLS

BATASAN HILLS

BRGY

BRIGGS

CRIMINAL IN

DETECTION UNIT

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

NOEL RUYANDUYAN

SUNNYSIDE HEIGHTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with