^

Metro

Commando gang member sinalvage

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines –  Bumulagta sa kalye ang bangkay ng isang hindi pa kilalang miyembro umano ng Commando gang na pina­niniwalaang biktima ng salvage sa Binondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Nabatid sa report na dakong alas-9:45 ng gabi nang matagpuan ng isang Ariel Hinojales, 28, tanod sa Brgy. 282 Zone 26 ang bangkay ng lalaki na inila­rawang nasa edad 30-35, may taas 5’6’’, kayumanggi, may hikaw na silver sa kaliwang tenga, nakasuot ng kulay violet na t-shirt at ‘6 pocket’ na shortpants at may tattoo sa likod na “Commando gang”.

Patalikod ang pagkakatali ng mga kamay ng biktima gamit ang dilaw na nylon cord, nakapulupot naman ang packaging tape sa mga paa at binalutan ng puting tuwalya ang ulo at mukha habang ang leeg ay sakal-sakal ng sinturon na may nakaipit pang tubo sa buckle ng sinturon, indikasyon na binigti ito.Tadtad din ng saksak ang kanyang dibdib.

Ayon pa sa pulisya posib­leng doon lamang itinapon ang bangkay matapos itong patayin sa ibang lugar.

Inilagak ang bangkay sa St. Ivan Funeral Homes.

vuukle comment

ARIEL HINOJALES

AYON

BINONDO

BRGY

BUMULAGTA

INILAGAK

MAYNILA

NABATID

PATALIKOD

ST. IVAN FUNERAL HOMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with