^

Metro

Carjackers sumalakay sa Makati

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Mistulang sinusubukan talaga ng mga kilabot na carjacker ang seguridad na ipinatutupad ng Makati police makaraang muling sumalakay at tangayin ang “sports utility ve­hicle (SUV)” ng isang em­ple­yado ng radyo, kahapon ng umaga sa Palanan, Makati City.

Sa ulat ng Makati police, natangay ng mga sa­larin ang pulang Mitsubishi Montero (PJI-328) na pag-aari ni Vicky Pacis, isang radio personality, habang minamaneho ng driver na si Jonathan Decena, 41, ng Pasay City.

Sa salaysay ni Decena sa pulisya, dakong alas-6:30 ng umaga, inilalabas pa lamang niya ang sasak­yan sa garahe ng mga Pacis sa Hilario St., Brgy. Palanan, para maghatid ng mga bata sa paaralan nang lapitan siya ng apat na armadong lalaki na nakasuot ng mga bonnet.

Isa sa mga suspect ang agad na tumutok sa kanya ng baril sa tagiliran at sapilitang kinuha ang susi ng sasakyan habang sumakay ang isa pa sa loob ng SUV. Pinatakbo ng dalawa sa mga suspect ang van habang nakasunod naman ang dalawa pa lulan naman ng isang motorsiklo.

Ito ang ikalawang pag­kakataon na naganap ang carjacking sa Makati City makaraang unang mata­ngayan ng kanyang SUV si Margarita Araneta-Fores nitong nakaraang Enero 19. Bukod dito, pinasabog din ng mga terorista ang isang pampasaherong bus sa may Buendia, Makati City.

vuukle comment

HILARIO ST.

JONATHAN DECENA

MAKATI

MAKATI CITY

MARGARITA ARANETA-FORES

MITSUBISHI MONTERO

PALANAN

PASAY CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with