^

Metro

PNP in good hands kay Gen. Bacalzo

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - The situation is under control, the PNP is in good hands!

Ito ang ginawang pagtatanggol ng ilang opisyal sa liderato ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Raul Bacalzo kaugnay naman ng  serye ng karahasan partikular na sa Metro Manila kabilang ang  karumal-dumal na pagpatay sa mga car dealers na sina Venson Evangelista at Emerson Lozano na kapwa na-carjack sa Quezon City noong Enero 12 at 13.  

“Maayos ang pama­malakad ni  Director General Bacalzo at masyado pang maaga upang pag-usapan kung sino ang nararapat na humalili sa kanya sa puwesto,” pagtatanggol ni Directorate for Integrated Police Operations (DIPO) Southern Luzon Chief Director  Rolando Anonuevo.

 Ginawa ni Añonuevo  ang pahayag  bilang reaksyon sa naglabasang ?batikos laban  Bacalzo kasunod ng paglobo ng serye ng kriminalidad sa bansa. ??Si Añonuevo ay isa sa mga opisyal ng PNP na sinasabing napupusuan ng mga retiradong  opisyal  para sa posisyon ni Bacalzo.??

Si Bacalzo ay nakatakdang magretiro sa September 15 ngayong taon subalit umugong ang  panawagang magbitiw na ito sa puwesto dahil sa umano’y kabiguan nitong tugunan ang pagtaas na kaso ng kriminalidad sa bansa.??Si Bacalzo ay miyembro ng Philippine Military Academy Class ’77 at itinalaga ?bilang PNP Chief noong September 14 kapalit ni dating PNP Chief ret. Director General Jesus Verzosa na mas piniling magretiro bago pa man ang kanyang ka­arawan noong Dis.  25.

Samantala, ang iba pang posibleng maglaban sa puwesto bilang Chief PNP ay sina Deputy Director Gene­ral Benjamin Belarmino Jr. ang number 3 man sa PNP at Chief Supt. Rey Lañada na siyang Director ng PNP Finance Service.

Sa ilalim ng RA8551 o the PNP Reform and Reorganization Act of 1998 nakasaad na ang PNP Chief ay nararapat na magsilbi ng isang taon sa serbisyo bago ito maitalaga bilang hepe ng pambansang pulisya.

vuukle comment

BACALZO

BENJAMIN BELARMINO JR.

CHIEF

CHIEF DIRECTOR GENERAL RAUL BACALZO

CHIEF SUPT

DEPUTY DIRECTOR GENE

DIRECTOR GENERAL BACALZO

PNP

SI BACALZO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with