^

Metro

Holdaper todas sa pulis

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Patay ang isang hindi pa nakikilalang holdaper matapos na manlaban sa dalawang pulis na sumita sa kanya matapos na humingi ng tulong ang isang babae na biktima ng holdap kahapon ng madaling-araw sa Sampaloc, Maynila.

Dead-on-the-spot ang suspect na inilarawan lamang na nasa edad 40 hanggang 45, payat, nakasuot ng kulay pula na t-shirt, pulang tsinelas at maong na pantalon.

Kapwa iniimbestigahan naman sina PO2 Reynaldo Olivio at PO2 Benito Casauay, kapwa nakatalaga sa Manila Police District-Station 4 (Sampaloc) upang magbigay-linaw sa pagkakabaril sa nasabing holdaper.

Sa ulat ni PO3  Efren Flores,  dakong ala-1 ng ma­daling-araw nang habulin ng patrol car ng dalawang pulis ang suspect habang tumatakas ito sa panulukan ng  A.H. Lacson Ave., at P. Margal St., Sampaloc.

Una umanong nagsisigaw ang biktimang si Hannah Acosta, 26, ng Quezon City nang mapadaan ang dalawang pulis na hiningan niya ng tulong.

Sinabi ng biktima na nag-aabang siya ng dyip nang lapitan ng suspect at tutukan ng baril bago tinangay ang kanyang bag na naglalaman ng wallet na may cash na P1,500, cellphone at iba pang gamit.

Sinigawan umano ng dalawang pulis ang suspect subalit sa halip na huminto ay pinaputukan sila nito ng dalang baril kaya napilitang makipagpalitan ng putok ang dalawa hanggang sa bumulagta ang suspect.

Narekober ang bag ng biktima at paltik na .38 kalibreng baril mula sa suspect.

vuukle comment

BENITO CASAUAY

EFREN FLORES

HANNAH ACOSTA

KAPWA

LACSON AVE

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

MARGAL ST.

QUEZON CITY

REYNALDO OLIVIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with