^

Metro

Paslit pisak sa SUV

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang dalawang taong gulang na batang lalaki matapos itong salpukin at magulungan ng isang humaharurot na Starex van habang nakatayo sa gilid ng kalsada, kamakalawa Malabon City.

Dead-on-arrival sa  Manila Central University (MCU) Hospital ang biktimang si Carlos Miguel Pacuancuan, ng Guava Road, Bgy. Potrero, Malabon matapos na magtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan.

Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang mga pulis laban sa hindi pa nakikilalang driver ng Starex van na may plakang WHM-892, na nakapangalan sa isang William Co, ng Chicago St., UE subdivision.

Sa report ng Traffic Enforcement Group (TEG) ng Malabon City Police, naganap ang insi­dente dakong alas-5 ng hapon sa panulukan ng Tuazon Ave. at Guava Road, Brgy.  Potrero.

Kasalukuyang nakatayo sa gilid ng kalsada ang biktima kasama ang ina nitong si Elsie nang dumaan ang naturang sasakyan at  biglang kumanan sa Guava Road kung saan nasalpok at nagulungan ang biktima. 

vuukle comment

CARLOS MIGUEL PACUANCUAN

CHICAGO ST.

GUAVA ROAD

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

MANILA CENTRAL UNIVERSITY

STAREX

TRAFFIC ENFORCEMENT GROUP

TUAZON AVE

WILLIAM CO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with