^

Metro

Thrill killer umatake: Pintor todas, 2 kritikal

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Patay ang isang pintor habang dalawa pa ang nasa kritikal na kondisyon matapos na walang habas na na­maril ang dalawang lalaki na sinasabing mga thrill killer kamakalawa sa Tondo, Maynila.

Dead-on-arrival sa  Tondo­ General Hospital si Elpidio De Juan, 42, ng 2824 Molave St., Tondo Maynila sanhi ng tama ng bala ng baril sa katawan habang inoobserbahan na­man sina James Nagal, 10 at Reynalda Uy, kapwa residente ng no. 2324 Molave St. Tondo, Maynila.

Isa sa mga suspect ang nailarawan na nakasuot ng jersey shirt habang ang isa naman ay naka-polo na kulay itim, kapwa nakatakip ng panyo ang mga mukha na magka-angkas sa motorsiklo.

Sa ulat SPO2 Henry Ignacio ng Manila Police District Homicide Section, dakong alas-8:30 ng gabi ng maganap ang pamamaril sa Molave St., Tondo.

Nabatid na ang biktma at mga kaibigan nito ay umi­inom sa gilid ng kalye nang biglang dumating umano ang mga suspect at biglang nagpaulan ng bala. Maging ang naglalakad na dalawang biktima ay nagtamo din ng bala.

Ayon sa pulisya, po­sibleng ang mga suspect umano ang sinasabing wanted noon pang 2007, 2008 at 2009 sa pulisya dahil sa serye ng walang habas na pamamaril at ilan na ang napatay.

Kabilang dito ang pina­kahuling insidente ng pa­ma­­maril noong Abril 8, 2009, ng  madaling-araw, sa panulukan ng Quezon at Capulong Sts. kina Lawrence Ventanilla, 30, na nag­tamo ng bala sa pisngi; Brian Quinto, 20, na tinamaan ng bala ng baril sa paa at sa tuhod naman si Julito Ellies, 19.

vuukle comment

BRIAN QUINTO

CAPULONG STS

ELPIDIO DE JUAN

GENERAL HOSPITAL

HENRY IGNACIO

JAMES NAGAL

JULITO ELLIES

LAWRENCE VENTANILLA

MOLAVE ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with