^

Metro

Misis todas sa regalong bomba

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Kalunus-lunos ang pagkamatay ng isang ginang na Filipino-Chinese makaraang sumambulat dito ang regalong bomba habang binubuksan kahapon ng umaga sa Taguig City.

Dakong alas-10:30 ng umaga nang maganap ang   pagsabog sa loob ng bahay ng biktimang si Yvonne Yvette Chua, 33, ng Block 10, Lot 21, Mahogany Phase III Subdivision, ng naturang lungsod.

Sa inisyal na imbestigasyon, isang regalo umano ang dinala ng driver ng mga Chua sa kanilang bahay.

Binubuksan umano ng biktima ang naturang regalo habang nakaupo sa sofa nang biglang sumambulat.

Ayon kay National Ca­pital Regional Police Office (NCRPO) chief, Di­rector Nicanor Bartolome, po­sibleng kilala ng pamilya Chua ang nasa likod ng krimen.

Nabatid na unang pinadala ang naturang package sa bahay ng mga Chua sa Parañaque City kamakalawa ng gabi bago diniliber ng kanilang driver sa nilipatang bahay ng mga ito sa Taguig City.

Isa sa iniimbestigahan ngayon ng pulisya ang pagkakakilanlan ng driver ng mga Chua na nagdeliber ng regalo at ang unang nakatanggap nito sa kanilang da­ting bahay sa Parañaque City.

Sa pagsusuri ng Explosive and Ordnance Division ng Taguig police, tatlong granada ang laman ng package kung saan isa lamang ang sumabog.  Narekober ng mga imbestigador ang dalawang granada na hindi sumabog.

Iniimbestigahan na din ngayon ng pulisya ang lahat ng posibleng anggulo sa naturang krimen.

vuukle comment

AYON

BINUBUKSAN

CHUA

EXPLOSIVE AND ORDNANCE DIVISION

MAHOGANY PHASE

NATIONAL CA

NICANOR BARTOLOME

REGIONAL POLICE OFFICE

TAGUIG CITY

YVONNE YVETTE CHUA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with