^

Metro

Lasing putol ang paa sa tren

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines – Putol ang kanang paa hanggang hita ng isang 40-anyos na construction worker matapos masagasaan ng tren habang lasing na nakaupo sa tabing riles sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng gabi. Kasalukuyang nilalapatan pa ng lunas sa St. Jude Hospital ang biktimang si Manuelito Paiste, 40, ng Marilao, Bulacan na sinasabing tuluyan nang naputulan ng kanang paa hanggang hita. Dakong alas-8 ng gabi nang maganap ang insi­dente sa riles sa panulukan ng Simon at Calamba Sts., Sampaloc, Manila. Dumayo lamang umano ang biktima at misis na si Bernadette sa bahay ng kaniyang bayaw sa Simon St., na nauwi sa inuman. Lasing na umano ang mga kainuman nang maiwan pa ang biktima May ilang minuto na umanong nakaupo ang biktima nang dumating ang PNR train at nasagasaan ang kanang paa nito at naiwang nakaipit ang isang gulong ng tren. Nakita rin umano  sa closed circuit television (CCTV) footage na nakaupo sa riles ang biktima na umano’y halatang lasing at tila hindi pansin na paparating na ang tren sanhi upang mahagip ito.

vuukle comment

BERNADETTE

BULACAN

CALAMBA STS

DAKONG

DUMAYO

KASALUKUYANG

MANUELITO PAISTE

MARILAO

SIMON ST.

ST. JUDE HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with