MPDPC 'Fun Shoot'
MANILA, Philippines – Nakatakdang ilunsad ng mga mamamahayag sa Manila Police District Press Corps (MPDPC) ang kanilang ikalawang proyekto na “Fun Shoot” or Shooting Competition sa MPD Traffic Range, Port Area, Manila sa Disyembre 18.
Ayon kay Bening Batuigas, presidente ng MPDPC at kolumnista ng Pilipino Star Ngayon, ang anumang kikitain ng fun shoot ay ilalaan sa naka-schedule na medical at dental mission sa Enero 30, 2011 sa tapat ng MPD Press Office at renovation ng opisina ng mga mamamahayag.
Makakatuwang ng mga opisyales ng MPDPC sa nasabing proyekto si Ric Reyes ng People’s Tonight, bilang organizer ng competition.
Inaanyayahan ng pamunuan ng MPDPC ang lahat ng mahilig sa shooting competition na lumahok sa palaro.
Sa iba pang impormasyon ng fun shoot ay maaring tumawag sa 4843319/ 4842670 at sa cell number 09152772463, hanapin lamang si Batuigas o kahit sinong opisyal ng MPDPC.
- Latest
- Trending