^

Metro

Tabloid fotog vs MPD cops: 2 sugatan

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines –  Nauwi sa barilan ang pa­ninita ng isang photo­grapher ng pahayagang Abante To­nite sa isa sa apat na miyem­bro ng Manila Police District-Mobile Patrol Unit na umihi sa bakod ng una na malubhang ikinasugat ng isa sa mga parak sa Sampaloc, Maynila kahapon ng mada­ling-araw.

Ayon sa mga imbesti­gador ng Manila Police District (MPD), unang dinala sa UST Hospital si PO3 Arthur Martinez subali’t dahilan sa maselan nitong kalagayan ay inilipat sa ibang pagamutan.

Sugatan din si Roberto, ang ama ni Jasper Barcelon, photo­grapher ng Abante Tonite na nakatalaga sa Malacañang at ginagamot na sa UDMC Hospital.

Boluntaryo namang su­muko si Jasper at isinailalim sa kusto­diya ng MPD-Ge­neral Assignment Section (GAS) para sa imbestigasyon matapos nitong isurender ang kanyang lisensyadong cal. 45 pistol.

Nabatid na bandang alas- 12 ng hatinggabi nang maganap ang barilan sa bahay mismo ng mga Barcelon sa panulukan ng Jocson Street at Loyola St. sa Sampaloc, Manila.

Nauna rito, sinita umano ng kapatid ni Jasper, na si Jayson, ang isang lalaking umiihi sa kanilang gate.

Nang makita umano ito ni Jasper ay lumapit siya sa da­lawa at maya-maya lamang ay lumapit na rin ang isang armadong lalaki na nagpakilalang pulis.

Sinasabing ang lalaking umihi at ang mga pulis, na kinabibilangan ni Martinez  at isang PO1 Arlon Gregorio, ay nag-iinuman umano sa isang lamay, di kalayuan sa bahay ng mga Barcelon.

Ayon kay Jasper, nagpakilala umano itong reporter kung saan nag-ugat ang barilan ng pagsabihan niya ang lumapit na pulis na maaari itong ma-dismis sa serbisyo dahil sa pagdadala ng baril gayong hindi naman ito naka-duty.

Sinabi ni Jasper, tinamaan umano ng shrapnel si Ro­berto sa likod sa unang bugso pa lamang nang putukan at upang makuha ito at maitago sa isang ligtas na lugar ay na­pilitan umano siyang gumanti ng putok.

Sinasabing may problema sa puso si Roberto at sinumpong ito bunga ng insidente kung saan habang hinihila niya ito ay patuloy sa pagpapaputok ang lasing na mga pulis.

Kinailangan pa umano ni Jasper na magpalit ng magazine ng baril upang muling makaganti ng putok kung saan nahagip at tinamaan din niya ng bala si Martinez, sa dibdib, braso at paa.

Taliwas naman sa pahayag ni Jasper, isang kapitbahay na nakilalang si Randy Cagoma, nakasaksi sa insidente ang nagsabi na sinabihan umano ng photojournalist ang mga pulis na “wala akong pakialam kahit mga pulis kayo,” bago kaagad umanong nagpaputok ng baril, kaya’t agad na bumulagta si Martinez.

Nakita naman na butas-butas ang yerong bakod ng mga Barcelon dulot ng mga tama ng baril at may 17 basyo ng bala ang nakuha sa pinangyarihan ng insidente.Patuloy ang masusing pagsisiyasat ng mga awtoridad sa kasong ito.

vuukle comment

ABANTE TO

ABANTE TONITE

ARLON GREGORIO

ARTHUR MARTINEZ

ASSIGNMENT SECTION

BARCELON

JASPER

SHY

UMANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with