^

Dalaga iniwan ng ka-live-in, nagbigti

- Ricky ­Tulipat () - November 25, 2010 - 12:00am

MANILA, Philippines – Dala umano ng labis na kalungkutan, ipinasya ng isang dalaga na tapusin ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti sa sarili gamit ang sinturon sa lungsod Quezon kahapon.

Nakilala ang nasawi na si   Iza Temporada, 25, saleslady at residente ng Fernandez St., Brgy. San Antonio sa lungsod.

Ayon kay PO3 Modestino Juanson, ng Criminal Investigation and Detection Unit ng QCPD, ang biktima ay natagpuan na lamang walang buhay ng nakababatang kapatid na babae habang nakabitin sa ikalawang palapag ng kanilang bahay ganap na alas-7 ng umaga.

Sa pagsisiyasat ni Juanson, ang biktima umano ay may ka-live-in na isang tomboy kung saan tatlong taon na silang nagsasama.

Subalit dahil sa may ibang natipuhan ang tomboy ay iniwan umano ang biktima dahilan para hindi ito matanggap ng huli at naging malulungkutin.

Sinasabing huling nakitang buhay ang biktima ganap na alas-12 ng hatinggabi kung saan hindi umano bakas sa mukha nito na gagawin ang nasabing pagpapakamatay.

Gayunman, patuloy pa rin ang isinasagawang pagsi­siyasat sa insidente.

AYON BRGY CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT DALA FERNANDEZ ST. GAYUNMAN IZA TEMPORADA JUANSON MODESTINO JUANSON SAN ANTONIO
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with