^

Metro

Lalaking naaagnas natagpuan

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Isang  stone sewer na may limang araw nang nawawala ang natagpu­ang naaagnas sa loob ng isang container van na nakasalansan sa Admiral Container Depot compound, sa Manila Harbour Center, Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Ang bangkay ni Roger Danos, 45, empleyado ng Asia Stone Resources Incorporation, na nakasuot lamang ng underwear at may limang tama ng saksak sa dibdib ay nadiskubre ng isang nagnga­ngalang Ricardo Perez, kasamahan ng biktima.

Sa pahayag ni Perez kay SPO4 Richard Lumbad ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-10 ng umaga nang dudumi siya sa  gilid ng mga nakasalansan na container van nang maisipan niyang hanapin ang pinagmumulan ng masangsang na amoy. Una niyang nakita umano ang pantalon sa labas ng container van bago na­diskubre ang bangkay ng kasamahan sa trabaho na hindi nakikita ng ilang araw.

Sinabi ni Perez na noong Lunes, ala-1 ng ma­da­ling-araw nang makita niya ang biktima na may kausap na isang “pokpok” na nagpakilalang “Joan” at nagtungo umano sa lugar na pinaniwalaan niyang nakatalik nito.

Hindi na natagpuan ang cellphone at wallet ng biktima na may cash umanong P1,000.

Posible umanong nabiktima si Danos ng mga babaeng kasabwat ng mga holdaper o “sex-holdap gang”.

vuukle comment

ADMIRAL CONTAINER DEPOT

ASIA STONE RESOURCES INCORPORATION

DANOS

ISANG

MANILA HARBOUR CENTER

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

PEREZ

RICARDO PEREZ

RICHARD LUMBAD

ROGER DANOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with