^

Metro

Obrero patay sa kuryente

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Patay ang isang 40-anyos na obrero nang aksidenteng madikit sa   live wire ng isang welding machine sa loob ng cons­truction site, sa Binondo, Maynila.

Nakilala ang nasawi na si Javier Buena, ng AM Builder at residente ng Juan Luna St., Pritil, Tondo. Dakong alas-9 ng umaga nang maganap ang insidente sa gina­gawang construction site ng City Place Mall sa Reina Regiente St., Binondo, Manila.

Tinatanggal ng bik­tima ang mga plywood na pinagpakuan sa mezza­nine ng ika-8 palapag ng ginagawang building nang mahawakan nito ang linya ng kuryente mula sa nakasaksak na welding machine dahilan upang mangisay.

Sinaklolohan ito ng mga kasamahan at isi­nu­god sa ospital subalit idineklarang dead-on- arrival.

vuukle comment

BINONDO

CITY PLACE MALL

DAKONG

JAVIER BUENA

JUAN LUNA ST.

MAYNILA

NAKILALA

PATAY

PRITIL

REINA REGIENTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with