^

Metro

Triplets isinilang sa PNP General Hospital

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Isinilang sa Philippine Na­tional Police (PNP) General Hospital sa Camp Crame ang triplets na sanggol na mga babae na anak ng isang ba­gitong pulis at ng misis nitong isang guro nitong Miyerkules ng umaga.

Sa panayam kay PO1 Cesar Taguba, ama ng sang­gol na nakatalaga sa Northern Police District (NPD), Love (Pag-ibig), Faith (Paniniwala) at Hope (Pagasa) ang ipapa­ngalan nila ng kanyang misis na si Harlene, 26, sa kanilang triplets.

Ayon sa pulis, isinilang  ang kanilang ikalawa, ikatlo at ika­apat na anak na babae sa pa­mamagitan ng caesarean de­livery sa nasabing paga­mutan.

Sinabi ng rookie cop na alas-8:58 ng umaga nang unang iluwal ang isa sa mga triplets, alas-8:59 ang ikalawa at dakong alas-9 naman ang ikatlo.

Nabatid na ang panganay ng mga itong anak na si Precious ay dalawang taon pa  lamang nang masundan ng hindi nila akalaing triplets na itinuturing nilang biyaya at suwerte sa pagsasama nilang mag-asawa.

“Triplets ang anak ko kaya triple rin ang kayod natin, ita­taguyod ko ang aking mga anak kahit hirap kami, God given na ito,” ani PO1 Taguba na nag­pa­pasalamat din da­hilan sa kabila ng triplets ay normal ang mga sanggol.

Sa rekord ng PNP, ang isang PO1 ay may salary grade na P12,150 at konting al­lowance para sa pagkain at iba pa. Inihayag pa ni PO1 Taguba na lahi sila ng mga kambal na ilang henerasyon na sa ka­nilang pamilya.

Inihayag naman ni Dra. Maria Angela Vidal, na ito ang unang pagkakataon na may triplets na ipinanganak sa PNP General Hospital simula nang itatag ito noong 1950 at kung may ipinanganak man dito, may ilang taon na ang nakakaraan ay kambal na­man ito.

Ayon pa sa doktora, ma­lusog ang triplets na pawang “full term” ang pagkakasilang at normal pati ang bigat ng mga ito na naglalaro sa 2.2 hang­gang 2.4 pounds.

Tiniyak pa nito na walang anumang dapat ikabahala sa gastusin si PO1 Taguba da­hilan sagot na ng PNP General Hos­pital ang gastusin nito.   

vuukle comment

AYON

CAMP CRAME

CESAR TAGUBA

GENERAL HOS

GENERAL HOSPITAL

INIHAYAG

SHY

TAGUBA

TRIPLETS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with