Election protest dinismis
MANILA, Philippines - Ibinasura ng Commission on Elections (Co melec) ang election protest na isinampa ng natalong vice gubernatorial candidate na si Rolando M. Perez laban sa nanalong Vice Governor na si Manuel M. Madrid ng lalawigan ng Romblon.
Ayon sa legal counsel ni Madrid na si Atty. Jose P. Icaonapo, Jr., dating Governor ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) for Greater Manila Region, ang election protest ay dinismis ng COMELEC 2nd Division noong September 27, 2010.
Nabatid na nabigo si Perez na makapaglagak ng kailangang P1,390, 500.00 cash deposit na 1/3 na bayad para sa kanyang protesta sa ibinigay na extension ng komisyon.
Lumilitaw na nakapagbayad ng nasabing halaga si Perez matapos ang extension period na ibinigay sa kanya ng Comelec kung kaya’t hindi na ito pinaboran pa ng komisyon.
- Latest
- Trending