^

Metro

Nagpasabog sa La Salle outsiders?

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Sinisilip na ng Manila Po­lice District (MPD) ang ang­gulong may sadyang nang­gulo sa ginanap na street revelry o pagsalubong sa mga kumuha ng Bar exams noong Linggo sa tapat ng De La Salle Uni­ versity sa Taft Avenue, Manila.

Kasabay nito, kumpirma­dong isang MK2 fragmenta­tion grenade ang ginamit na pampasabog na iniwan sa kumpol ng mga law students sa naganap na Bar Ops.

Ayon kay MPD Officer In Charge, Chief Supt. Roberto Rongavilla, mahirap umanong mag-speculate subalit sa naging pakikipag-ugnayan ng mga imbestigador, wala sa roster ng miyembro ng Alpha Kappa Rho ang pinangala­nang estudyante na sinasa­bing posibleng responsable sa pagpapasabog na ikina­sugat ng may 50 katao at pag­kaputol ng mga paa ng dala­wang babaeng law students.

Masusi umano nilang ina­alam kung may mga nakigulo o inutusang manggulo sa hanay ng mga law students.

Kaugnay nito, umapela naman si Atty. Elaine Bathan, assistant dean ng Univer­sity of San Jose Recoletos Law School, na hindi dapat sabi­hing suspect si Jed Carlo Lazaga at sa halip isa umano itong biktima ng pambubug­bog at pagnanakaw ng isang grupo na nanggulo sa street revelry.

“I went here to clarify re­ports branding our student Carlo Lazaga to be a suspect in last Sunday’s blast. In fact, we believe he was innocent because during the time that he was ganged up by a group of men and even robbed him of his belongings, including his wallet,” paliwanag ni Bathan.

Sinabi umano ni Lazaga na iniulat pa niya ito sa Manila Po­lice District-Station 9 dahil sa natamong mga bugbog nang kuyugin siya ng umanoy mi­yem­bro ng Tau Gamma Frater­nity at binantaan siya na pa­patayin. Hanggang sa ka­salukuyan ay wala pang kumpirmasyon kung anong uri ng pampa­sabog ang ginamit sa na­sabing insidente.

vuukle comment

ALPHA KAPPA RHO

BAR OPS

CARLO LAZAGA

CHIEF SUPT

DE LA SALLE

ELAINE BATHAN

JED CARLO LAZAGA

MANILA PO

OFFICER IN CHARGE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with