^

Metro

Frat war sinisilip: TF sa La Salle bombing binuo

- Nina Ludy Bermudo at Doris Franche -

MANILA, Philippines - Tukoy na ang isa sa sina­sabing responsable sa pagpa­pa­sabog sa harapan ng De La Salle University nitong Linggo ng hapon na nauwi sa pagka­ka­sugat ng umaabot na sa 50 ka­tao sa huling araw ng Bar exa­mination, batay sa ulat kahapon.

Kasabay nito, isang Task Force ang binuo para sa aga­rang ikalulutas sa naturang pag­papasabog at tuluyang pag­dakip sa mga taong respon­sable dito.

Sa pinakahuling report, isa umanong miyembro ng frater­nity na pinangalanang si Jed Carlo Lazaga alyas “Jessie”, tubong Cebu ang tinu­tukoy na kasama ng isa pang estudyante na naghagis ng bomba.

Base sa report na nakalap ng Task Force, ang nasabing sus­­pect ay ginulpi ng kalabang fraternity at nagawa pang mag­reklamo umano sa MPD-Malate Police Station 9. Ayon kay Insp. Armando Ma­ca­raeg, naatasang mamuno sa imbestigasyon, tar­get umano ng frat na AKRHO ang mga miyem­bro ng Tau Gamma Phi frater­nity nang hagisan ng pampa­sabog subalit ang na­tamaan ay ang katabing grupo ng Alpha Phi Beta Frater­nity ng San Beda Col­lege na rito marami ang nasugatan.

“Yung naghagis ng bomba, hindi tumama dun sa talagang target niya. Kaya ang tinamaan ’yung mga taga San Beda,” paliwanag ni Macaraeg.

Ayon naman kay Chief Supt Roberto Rongavilla, Officer-in-charge ng MPD, posibleng pill­box, molotov bomb o frag­men­tation grenade ang ginamit na pampasabog  subalit ayon sa source, isang MK2 frag­mention grenade ang ginamit dahil sa lakas ng pagsabog.

Ayon naman sa isang saksi na ayaw magpabanggit ng pa­ngalan at isa sa mga nasu­ga­tan, personal na nakita nito ang isang lalaki na nakasuot ng itim na jacket  at t-shirt na may tatak at logo ng “Alpha Kappa Rho.

Dagdag pa ng saksi na ang nasabing lalaki ay nasa kabila ng Taft Ave., nang ihagis nito ang isang bomba subalit kinapos ito sa talagang target kaya pumutok sa mga grupo ng estudyante ng San Beda.

Nabatid na nagsasagawa ng tradisyunal na street revelry ang mga biktima sa huling araw ng Bar examinations nang may sumabog dakong alas-5:15 ng hapon sa tabi ng DLSU.

vuukle comment

ALPHA KAPPA RHO

ALPHA PHI BETA FRATER

ARMANDO MA

AYON

CHIEF SUPT ROBERTO RONGAVILLA

DE LA SALLE UNIVERSITY

JED CARLO LAZAGA

SAN BEDA

SHY

TASK FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with