^

Metro

2 bumbero sugatan sa sunog

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Sugatan ang dalawang bumbero  habang inaapula ang sunog sa isang  dating publication sa Makati City kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga biktimang sina Fire Officer 3 Artemio Limosenero  at Senior Fire Officer 2 Serafico, kapwa nakatalaga sa Makati City Fire Department.  Nilapatan ang mga ito ng lunas sa isang pinaka­malapit na pagamutan.

Sa inisyal na report ng Makati City Fire Department, nag-umpisa ang sunog dakong alas-10:45 ng gabi sa dating publication ng Liwayway Magazine, na pag-aari ng Manila Bulletin, sa Liwayway Building, kahabaan ng Chino Roces Avenue (dating Pasong Tamo), Makati City.

Nabatid na habang inaapula ng mga biktima ang malakas na apoy, napako ang paa ni Limosenero­, samantalang si Serafico naman  ay hinimatay matapos itong ma-suffocate dahil sa matinding usok.

Umabot sa Task Force Alpha ang sunog habang inaalam pa ng mga kagawad ng tagapamatay-sunog kung ano ang pinagmulan ng apoy.

Inaalam pa rin kung magkano ang halaga ng mga ari-ariang naabo.

vuukle comment

ARTEMIO LIMOSENERO

CHINO ROCES AVENUE

FIRE OFFICER

LIWAYWAY BUILDING

LIWAYWAY MAGAZINE

MAKATI CITY

MAKATI CITY FIRE DEPARTMENT

MANILA BULLETIN

PASONG TAMO

SENIOR FIRE OFFICER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with