Estudyante pumalag sa holdap, tinarakan

MANILA, Philippines - Malubha ang natamong mga saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ng isang 46-anyos na staff ng Student Affairs ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) mula sa tatlong umanoy holdaper, sa Sta. Mesa, Maynila, kama­kalawa ng gabi. Nakaratay sa Lourdes Hospital ang bikti­mang si Robertito Roque, ng Rosal St., Old Sta Mesa, Manila maka­raang mag­tamo ng saksak sa leeg, dibdib at kamay.

Naaresto naman ang isa sa tatlong suspect nang isagawa ang follow-up operation ng MPD-Station 8 na kinilalang si Erick Tupaz, 19, ng Mandaluyong City, habang pinag­hahanap pa ang dalawa nitong kasamahan. Sa ulat ng pulisya, dakong alas-9:20 ng gabi nang maganap ang insidente sa harapan ng Newton­ Plaza sa Old Sta. Mesa.

Nabatid na habang nakatayo sa harapan ng nasabing mall ang biktima ay nilapitan umano ng mga armadong suspect  at pinagtulungan umanong saksakin dahil sa pagpalag umano sa holdap. Dakong alas-10:00 ng gabi ay nagsagawa ng follow up operations ang pulisya na nagresulta sa pagkakaaresto ni Tupaz.

Show comments